Exodus 12:13
Ang dugo ay magiging isang palatandaan sa inyong mga tahanan para sa pagdating ko sa inyo. Kapag nakita ko ang dugo, lalagpasan ko lang kayo kapag sinalakay ko ang lupain ng Ehipto. Ang salot na ito ay hindi dadapo sa inyo at wawasak sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:7Kailangan ninyong kumuha ng ilang dugo at ipahid sa dalawang magkabilang poste ng pintuan at sa itaas ng balangkas ng pintuan ng mga bahay na kung saan kakainin ninyo ang karne.
Joshua 2:12Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan
1 Thessalonians 1:10Ibinalita nila na kayo ay naghihintay sa kaniyang Anak mula sa langit, na kaniyang ibinangon mula sa mga patay. Ito ay si Jesus, na nagpalaya sa atin mula sa poot na darating.
1 John 1:7Pero kung tayo'y lumalakad sa liwanag katulad niyang nasa liwanag, meron tayong pakikisama sa isa't isa at ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan.