Exodo 12:15
Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:14Sinuman sa mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat ay ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan. Sinira niya ang aking tipan.
Exodus 12:19Sa loob ng pitong araw na ito, dapat walang lebadura ang makikita sa loob ng inyong mga tahanan. Kung sinuman ang kakain ng tinapay na may lebadura ay dapat itiwalag sa komunidad ng Israel, kahit na ang taong iyon ay isang dayuhan o isang taong ipinanganak sa inyong lupain.
Exodus 13:6Sa loob ng pitong araw dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura; Sa ikapitong araw magkakaroon ng pista sa karangalan ni Yahweh.
Exodus 30:33Ang sinumang gumawa ng pabango gaya nito, o kung sinumang maglagay ng alinman nito sa isang tao, ang taong iyon ay dapat alisin sa kaniyang bayan.”
Exodus 31:14Kaya dapat ninyong panatiliin ang Araw ng Pamamahinga, para dapat ninyong ituring ito bilang banal, na nakalaan para sa kaniya. Bawat isa na dumungis dito ay dapat talagang mamatay. Kung sinuman ang gumagawa sa Araw ng Pamamahinga, ang taong iyan ay tiyak na dapat putulin mula sa kaniyang bayan.
Exodus 34:25Hindi ninyo dapat ialay ang dugo ng aking handog nang may anumang lebadura, ni anumang karne mula sa handog sa Pista ng Paskua ang matira sa umaga.