Exodus 12:3
Sabihan ang kapulungan ng Israel, 'Sa ikasampung araw ng buwan na ito dapat kumuha ang bawat isa ng isang tupa o batang kambing para sa kanilang mga sarili, gagawin ito ng bawat pamilya, isang tupa para sa bawat sambahayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2“Para sa inyo, ang buwan na ito ay magiging simula ng mga buwan, ang unang buwan ng taon sa inyo.
Cross References
Genesis 22:8Sinabi ni Abraham, “Ang Diyos mismo ang magbibigay ng tupa para sa handog na susunugin, aking anak.” Kaya sila ay nagpatuloy nang magkasama.
Exodus 6:6Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol.
Exodus 14:15Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Bakit ikaw, Moises, patuloy na tumatawag sa akin? Sabihan mo ang mga Israelita na magpatuloy sa pagsulong.
Leviticus 1:2“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang tao mula sa inyo ang magdadala ng isang handog kay Yahweh, dalhin bilang inyong handog ang isa sa inyong mga hayop, alinman mula sa pangkat ng mga hayop o mula sa kawan.
Numbers 1:1Nagsalita si Yahweh kay Moises sa tolda ng pagpupulong sa ilang ng Sinai. Nangyari ito sa unang araw ng ikalawang buwan sa loob ng ikalawang taon matapos na makalabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi ni Yahweh,
Joshua 7:14Sa umaga, dapat ninyong ipakita ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong mga lipi. Ang lipi na pinili ni Yahweh ay manggagaling malapit sa kanilang mga angkan. Dapat lumapit ang angkan na pinili ni Yahweh sa bawat sambahayan. Dapat lumapit ang sambahayan na pinili ni Yahweh.