Exodo 12:31
Pinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron sa gabing iyon at sinabing, “Tumayo kayo at lumayas mula sa bayan ko, kayo at ang mga Israelita. Umalis na kayo, at sumamba kay Yahweh, gaya ng sinabi ninyo na nais ninyong gawin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:19Pero nalalaman ko na ang hari ng Ehipto ay hindi kayo papayagang umalis, maliban na ang kamay niya ay pilitin.
Exodus 6:1Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ngayon makikita mo kung ano ang gagawin ko kay Paraon. Makikita mo ito, dahil hahayaan niya na sila ay umalis dahil sa aking malakas na kamay. Dahil sa kamay kong makapangyarihan, sila ay kaniyang palalayasin sa kaniyang lupain.”
Exodus 10:9Sinabi ni Moises, “Aalis kami na kasama ang aming mga kabataan at ang aming mga matatanda, kasama ang aming mga anak na lalaki at mga anak na babae. Dadalhin din namin ang mga kawan at mga baka, dahil kailangan naming magdiwang para kay Yahweh.”
Exodus 11:8Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako.” Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit.
Psalms 105:38Natuwa ang Ehipto nang sila ay umalis, dahil takot sa kanila ang mga taga-Ehipto.