Exodus 12:41
Matapos ang 430 na taon, sa araw ding iyon, lahat ng mga armadong grupo ni Yahweh ay umalis palabas mula sa lupain ng Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
40Ang mga Israelita ay nanirahan sa Ehipto sa loob ng 430 na taon.
Cross References
Genesis 50:24Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Malapit na akong mamatay; pero tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos at pangungunahan kayo palabas ng lupaing ito papunta sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.”
Exodus 6:26Ang dalawang lalaking ito ay sina Aaron at Moises kung kanino sinabi ni Yahweh, “Dalhin palabas ang mga Israelita mula sa lupain ng Ehipto, sa pamamagitan ng kanilang mga pangkat ng mga lalaking mandirigma.”
Exodus 12:17Dapat ninyong pagmasdan ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura dahil sa araw na ito dadalhin ko ang inyong bayan, armadong grupo sa armadong grupo, palabas sa lupain ng Ehipto. Kaya dapat ninyong sundin ang araw na ito sa lahat ng salinlahi ng inyong bayan. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo.
Exodus 13:3Sinabi ni Moises sa mga tao, “Alalahanin ninyo ang araw na ito, ang araw kung saan kayo nakalabas mula sa Ehipto, nakalabas mula sa bahay ng pagkakaalipin, dahil nakalabas kayo mula sa lugar na ito sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh. Walang tinapay na may halong lebadura ang kakainin.
Exodus 13:14Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Leviticus 23:43para ang inyong mga kaapu-apuhan, angkan sa mga angkan, maaaring malaman kung papaano ko ginawa ang mga bayan ng Israel na manirahan sa ganoong mga kanlungan nang inilabas ko sila sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh ang inyong Diyos,'”