Exodo 12:50
Kaya sinunod ng lahat ng mga Israelita nang lubusan ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Thus did all the children of Israel; as the LORD commanded Moses and Aaron, so did they.
In Context
Cross References
Exodus 7:4Pero si Paraon ay hindi makikinig sa iyo, kaya ilalagay ko ang kamay ko sa Ehipto at ilalabas ang aking mga pangkat ng mandirigmang kalalakihan, aking bayan, ang mga kaapu-apuhan ni Israel, palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang mga gawa ng pagpaparusa.
Numbers 3:51Ibinigay ni Moises ang pantubos na pera kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki. Ginawa ni Moises ang lahat ng bagay na sinabi sa kanya upang gawin sa pamamagitan ng mga salita ni Yahweh, gaya ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
Numbers 8:19Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”
Numbers 8:22Pagkatapos nito, pumasok ang mga Levita upang isagawa ang kanilang paglilingkod sa tolda ng pagpupulong sa harapan ni Aaron at sa harapan ng kaniyang mga anak na lalaki. Ito ang inutos ni Yahweh kay Moises tungkol sa mga Levita. Pinakitunguhan nila ang mga Levita sa ganitong paraan.
Numbers 36:10Kaya ginawa ng mga anak na babae ni Zelofehad ang gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
Deuteronomy 12:32Anuman ang sinabi ko sa inyo ay sundin ito. Huwag itong dagdagan o bawasan.