Exodus 12:6
Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:18Dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura mula sa takipsilim ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan ng taon, hanggang sa takipsilim ng ikadalawampu't isang araw ng buwan.
Exodus 29:39Dapat kang maghandog ng isang tupa sa umaga, at ang isang tupa ay ihandog mo sa paglubog ng araw.
Leviticus 23:5Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan sa takipsilim, ay Paskuwa ni Yahweh.
Numbers 9:11Dapat nilang ipagdiwang ang Paskua sa ikalawang buwan sa gabi ng ikalabing-apat na araw. Dapat nilang kainin ito kasama ng tinapay na walang pampaalsa at mga gulay na mapait.
Numbers 28:18Sa unang araw, dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon.
Deuteronomy 16:6Sa halip, mag-alay sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo. Doon ninyo isasagawa ang pag-aalay ng paskua sa gabi at sa paglubog ng araw, sa panahon ng taon na kayo ay nakalabas ng Ehipto.