Exodus 12:8
Dapat ninyong kainin ang karne sa gabing iyon, pagkatapos na ihawin ito sa apoy. Kainin ninyo ito ng may tinapay na walang lebadura, kasama ang mga mapapait na damong-gamot.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:9Huwag ninyong kainin itong hilaw o pinakuluan sa tubig. Sa halip, ihawin ninyo ito sa apoy kasama ang ulo, mga binti at ng lamang-loob.
Exodus 13:7Tinapay na walang lebadura ang dapat kainin sa loob ng pitong araw; dapat walang tinapay na may lebadura ang makikita sa gitna ninyo. Dapat walang lebadurang makikita sa inyo sa loob ng inyong mga kinasasakupan.
Exodus 34:25Hindi ninyo dapat ialay ang dugo ng aking handog nang may anumang lebadura, ni anumang karne mula sa handog sa Pista ng Paskua ang matira sa umaga.
Deuteronomy 16:3Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito; pitong araw kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito, ang tinapay ng dalamhati; dahil mabilis kayong lumabas mula sa lupain ng Ehipto. Gawin ninyo ito sa lahat ng araw ng inyong buhay para inyong maisip ang araw na kayo ay nakalabas mula sa lupain ng Ehipto.
2 Chronicles 35:13Inihaw nila sa apoy ang mga tupang pampaskwa gaya ng sinasabi ng tagubilin. Para naman sa mga handog na nakalaan, pinakuluan nila ito sa mga palayok, kaldero at mga kawali, at mabilis nila itong dinala sa mga tao.
Isaiah 53:10Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya.