Exodus 14:21
Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat. Pinabalik ni Yahweh ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong gabing iyon at ginawang tuyong lupa. Sa ganitong paraan nahati ang tubig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:16Itaas mo ang iyong tungkod, iunat mo sa pamamagitan ng iyong kamay sa ibabaw ng dagat at hatiin mo ito sa dalawa, para ang bayan ng Israel ay makarating sa dagat sa tuyong lupa.
Joshua 2:10Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap.
Joshua 4:23Pinatuyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tubig sa Jordan para sa inyo, hanggang sa makatawid kayo, gaya ng ginawa ni Yahweh inyong Diyos sa Dagat ng mga Tambo, na kaniyang tinuyo para sa atin hanggang tayo ay makatawid,
Job 26:12Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, winasak niya si Rahab.
Psalms 66:6Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat; tumawid sila sa ilog nang naglalakad; nagalak kami sa kaniya roon.
Psalms 78:13Hinati niya ang dagat at dinala sila sa kabila nito; pinatayo niya ang mga tubig na gaya ng mga pader.