Exodo 14:8
Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, hari ng Ehipto, at hinabol niya ang mga Israelita. Ngayon nakaalis ang mga Israelita nang matagumpay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:21Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.
Exodus 13:9Magsisilbi itong paalala para sa inyo sa inyong kamay, at isang paalala sa inyong noo. Para mapasainyong bibig itong batas ni Yahweh, dahil nakalabas kayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh.
Exodus 13:18Kaya pinatnubayan ng Diyos ang mga tao paikot sa may ilang patungo sa Dagat ng mga Tambo. Umakyat ang mga Israelita papalabas mula sa Ehipto na armado para sa pakikipaglaban.
Leviticus 26:13Ako si Yahweh na inyong Dios na nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto, nang sa ganoon hindi na nila kayo magiging mga alipin. Winasak ko ang mga rehas ng inyong yugo at pinalakad kayo ng matuwid.
Deuteronomy 26:8Inilabas kami ni Yahweh mula sa Ehipto na may makapangyarihang kamay, nang pagpapakita ng kaniyang kapangyarihan, na labis na nakakatakot, na may mga tanda, at mga kamangha-manghang bagay;
Joshua 11:20Dahil si Yahweh ang nagpatigas sa kanilang mga puso para sila ay pumunta at makipaglaban sa Israel, kaya ganap niyang winasak sila, at hindi nagpapakita ng awa sa kanila, gaya sa itinuro niya kay Moises.