Exodo 15:11
Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Iniunat mo ang iyong kanang kamay, at sila ay nilamon ng lupa.
Cross References
Exodus 8:6Inunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mga tubig ng Ehipto, at nagsilabasan ang mga palaka at linukob ang lupain ng Ehipto.
Exodus 18:11Ngayon alam ko na si Yahweh ay dakila kaysa lahat ng mga diyos, dahil niligtas ng Diyos ang kaniyang bayan nang pinagmalupitan ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
Deuteronomy 1:30Si Yahweh na inyong Diyos na nanguna sa inyo, siya ay makikipaglaban para sa inyo, tulad ng lahat ng bagay na ginawa niya sa inyo sa Ehipto sa harap ng inyong mga mata,
Deuteronomy 4:34O ang Diyos ba ay tinangkang pumunta at kunin ang isang bansa mula sa kalagitnaan ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng mga tanda, at sa pamamagitan ng mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng digmaan, at sa pamamagitan ng isang napakalakas na kamay, at sa pamamagitan ng sa isang pagpapakita ng dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng matinding mga pananakot, gaya ng lahat ng ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harapan ng inyong mga mata?
1 Samuel 2:2Wala ng banal tulad ni Yahweh, sapagka't walang iba maliban sa iyo; walang ibang bato tulad ng ating Diyos.
1 Kings 8:23Kaniyang sinabi, “Yahweh, na Diyos ng Israel, walang diyos ang gaya mo sa itaas ng kalangitaan o sa kailaliman ng mundo, na tumupad ng kaniyang katapatan sa tipan sa iyong mga lingkod na naglalakad kasama mo ng kanilang buong puso;