Exodo 15:26
Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:10Kaya kumuha si Moises at Aaron ng mga abo na mula sa isang hurno at tumayo sa harapan ni Paraon. Pagkatapos, inihagis ni Moises ang mga abo sa hangin. Nagdulot ang mga abo ng pigsa at pamamaga na siyang kumalat sa mga tao at mga hayop.
Exodus 19:5Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Leviticus 26:3Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
Numbers 12:13Kaya tumawag si Moises kay Yahweh. Sinabi niya, “Pakiusap pagalingin mo siya, oh Diyos, pakiusap.”
Deuteronomy 7:12Kung pakikinggan ninyo mga kautusang ito at susundin at gawin ang mga ito, pananatilihin ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang tipan sa inyo at ang katapatan na ipinangako niya sa inyong mga ama.
Deuteronomy 12:28Magmasid at makinig sa lahat ng mga salitang ito na sinasabi ko sa inyo, na maaaring makabuti ito sa inyo at sa inyong mga anak na susunod sa inyo magpakailanman, kapag ginawa ninyo kung ano ang mabuti at tama sa mga mata ni Yahweh na inyong Diyos.