Exodo 15:3
Si Yahweh ay isang mandirigma; Yahweh ang pangalan niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The LORD is a man of war: the LORD is his name.
In Context
Cross References
Exodus 3:13Sinabi ni Moises sa Diyos, “Pagpunta ko sa mga Israelita at sabihin sa kanilang, 'Ang Diyos ng inyong mga ninuno ay pinadala ako sa inyo,' at kung sabihin nila sa akin, 'Ano ang pangalan niya?' ano ang dapat kong sabihin sa kanila?”
Exodus 3:15Sinabi rin ng Diyos kay Moises, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.'
Exodus 6:6Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol.
Exodus 14:25Ang gulong ng kanilang mga karwahe ay nabaon, at ang mga nangangabayo ay nahirapang magpatakbo. Kaya sinabi ng mga taga-Ehipto, “Tumakas na tayo mula sa Israel, dahil si Yahweh ay lumalaban para sa kanila laban sa atin.
Psalms 45:3Ilagay mo ang iyong espada sa iyong hita, ikaw na makapangyarihan, sa iyong kaluwalhatian at kamaharlikahan.
Isaiah 42:8Ako si Yahweh, iyon ang aking pangalan; at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibabahagi sa iba ni ang aking papuri sa mga inukit na mga diyus-diyusan.