Exodo 15:7
Sa dakilang kaluwalhatian iyong ibinabagsak ang mga bumabangon laban sa iyo. Inilabas mo ang iyong poot; tinupok mo sila gaya ng pinaggapasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 5:12Kaya ang bayan ay nagsikalat sa buong lupain ng Ehipto para maka-ipon ng mga pinagputulan para sa dayami.
Deuteronomy 33:26Walang sinumang katulad ng Diyos, Jesurun— isang matuwid, na nakasakay sa kalangitan para tulungan ka, at sa kaniyang kaluwalhatian sa mga ulap.
Psalms 59:13Tupukin mo sila sa poot, tupukin mo sila para sila ay mawala na; hayaan mo silang malaman na namumuno ang Diyos kay Jacob at sa dulo ng mundo. Selah
Psalms 78:49Ang bagsik ng kaniyang galit ay humagupit laban sa kanila. Pinadala niya ang kaniyang poot, matinding galit, at kaguluhan tulad ng mga kinatawan na sinugo para magdala ng sakuna.
Psalms 148:13Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan.
Isaiah 5:24Kaya nga, gaya ng pinaggapasan na nilamon ng dila ng apoy at tuyong damo na sinunog, gayundin ang ugat nila ay matutuyot, at bulaklak nito ay tatangayin na parang alikabok, dahil itinakwil nila ang batas ni Yahweh ng mga hukbo, at nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.