The Bible Software
bible.softwareExodusExodus 16 › Exodus 16:8

Exodus 16:8

Sinabi rin ni Moises, “Malalaman ninyo ito kapag binigyan kayo ni Yahweh ng karne sa gabi at tinapay sa umaga na sagana—dahil narinig niya ang mga reklamo na sinabi ninyo laban sa kanya. Sino ba si Aaron at ako? Ang inyong mga reklamo ay hindi laban sa amin; ang mga iyon ay laban kay Yahweh.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And Moses said, This shall be, when the LORD shall give you in the evening flesh to eat, and in the morning bread to the full; for that the LORD heareth your murmurings which ye murmur against him: and what are we? your murmurings are not against us, but against the LORD.

In Context

7Sa umaga ay makikita ninyo ang kaluwalhatian ni Yahweh, dahil naririnig niya ang inyong pagrereklamo laban sa kaniya. Sino ba kami para kayo ay magreklamo laban sa amin?”

9Sinabi ni Moises kay Aaron, “Sabihin mo sa lahat ng komunidad ng bayan ng Israel, 'Lumapit kayo kay Yahweh, dahil narinig niya ang inyong mga reklamo.'”

Read all of Exodus 16

Cross References

Exodus 16:9Sinabi ni Moises kay Aaron, “Sabihin mo sa lahat ng komunidad ng bayan ng Israel, 'Lumapit kayo kay Yahweh, dahil narinig niya ang inyong mga reklamo.'”

Numbers 11:18Sabihin mo sa mga tao, 'Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas. Tunay na kakakain kayo ng karne, sapagkat umiyak kayo sa pandinig ni Yahweh. Sinabi ninyo, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne upang ating kainin? Naging mabuti ito para sa atin sa Ehipto.” Kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng karne, at kakainin ninyo ito.

Numbers 21:7Lumapit ang mga tao kay Moises at sinabin, “Nagkasala kami dahil nagsalita kami laban kay Yahweh at sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh upang ilayo niya ang mga ahas mula sa amin.” Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.

Isaiah 32:6Dahil nagsasalita ang hangal ng kahangalan, at ang kaniyang puso ay nagpaplano ng masama at hindi maka-diyos na gawain, at nagsasalita siya ng mali laban kay Yahweh. Ginugutom niya ang gutom, at inuuhaw niya ang mga uhaw.

Matthew 9:4Batid ni Jesus ang mga nasa isip nila at sinabi, “Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso?

Luke 10:16Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin, at ang tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin.”

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Exodus 16:8

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Exodus 16:7Exodus 16Exodus 16:9 →