Exodo 17:12
Nang bumigat na ang mga kamay ni Moises, kumuha sina Aaron at Hur ng bato at inilagay ito sa ilalim niya para makaupo siya. Sa parehong pagkakataon, itinaas ni Aaron at Hur ang mga kamay ni Moises, isang tao ang nasa tabi niya at ang isa naman ay nasa kabilang banda niya. Kaya nanatiling nakataas ang mga kamay ni Moises hanggang sa palubog na ang araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Kaya natalo ni Josue ang mga Amalekita sa pamamagitan ng espada.
Cross References
Joshua 8:26Hindi ibinalik ni Josue ang kaniyang kamay na inabot niya, habang hinahawakan ang kaniyang sibat, hanggang tuluyang nawasak niya ang lahat ng bayan ng Ai.
Isaiah 35:3Palakasin ninyo ang mahihinang kamay, at patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.
Mark 14:37Bumalik siya at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagbantay ng isang oras man lang?
Ephesians 6:18Manalangin kayo sa lahat ng oras ng may panalangin at paghingi. Magbantay kayong lagi ng may buong pagtitiyaga at panalangin para sa lahat ng mga mananampalataya.
Colossians 4:2Taimtim na magpatuloy sa panalangin. Manatiling handa sa pasasalamat.
Hebrews 12:12Samakatuwid itaas ninyo ang inyong mga kamay na nakababa at palakasing muli ang nanghihinang mga tuhod;