Exodo 19:11
Maging handa sa ikatlong araw, dahil sa ikatlong araw Ako, si Yahweh ay bababa sa Bundok Sinai.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Exodus 19:18Lubusang nababalutan ng usok ang Bundok ng Sinai dahil kay Yahweh na bumaba doon na may apoy at usok. Pumaitaas ang usok katulad ng usok ng isang pugon at marahas na nabulabog ang buong bundok.
Exodus 24:16Nanahan ang kaluwalhatian ni Yahweh sa Bundok ng Sinai, at tinakpan ito ng ulap sa loob ng anim na araw. Sa ikapitong araw tinawag niya si Moises mula sa loob ng ulap.
Exodus 34:5Bumaba si Yahweh sa ulap at tumayo doon kasama si Moises, at binigkas niya ang pangalang “Yahweh.”
Deuteronomy 4:10sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.'
Psalms 18:9Binuksan niya ang kalangitan at siya ay bumaba, at makapal na kadiliman ay nasa ilalim na kaniyang paanan.