Exodus 2:16
Ngayon ang pari ng Midian ay mayroong pitong anak na babae. Dumating sila, umigib ng tubig, at pinuno ang mga labangan para painumin ang kawan ng kanilang ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:11Pinaluhod niya ang mga kamelyo sa gilid ng balon ng tubig sa labas ng siyudad. Gabi na iyon, ang oras na lumalabas ang mga babae upang sumalok ng tubig.
Genesis 29:6Sinabi niya sa kanila “Mabuti ba ang kalagayan niya?” Sinabi nila, “Mabuti naman siya, at, tumingin ka roon, si Raquel na kanyang anak ay paparating kasama ang mga tupa.”
Genesis 41:45Tinawag ni Paraon ang pangalan ni Jose na “Zafenat-panea.” Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa. Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto.
Exodus 18:118 Narinig ni Jetro na pari ng Midian, na biyenan na lalaki ni Moises ang lahat ng ginawa ng Diyos kay Moises at sa mga Israelita na kaniyang bayan. Narinig niya na dinala ni Yahweh palabas sa Ehipto ang Israel.