Exodus 2:22
Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, at pinangalanan siya ni Moises na Gersom; sinabi niya, “Ako ay naging isang mamamayan sa isang dayuhang lupain.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:20Dinala ni Moises ang kaniyang asawa at mga anak na lalaki at isinakay niya sila sa asno. Bumalik siya sa lupain ng Ehipto, at dinala niya ang tungkod ng Diyos na nasa kaniyang kamay.
Exodus 22:21Huwag dapat ninyong gawan ng masama ang isang dayuhan o pagmalupitan siya, dahil naging mga dayuhan din kayo sa lupain ng Ehipto.
1 Chronicles 23:14Tungkol naman kay Moises na lingkod ng Diyos, ang kaniyang mga anak ay itinuring na mga Levita.
Psalms 39:12Pakinggan mo ang aking dalangin, Yahweh, makinig ka sa akin, makinig ka sa aking pag-iyak! Huwag kang maging bingi sa akin, dahil tulad ako ng isang dayuhang kasama ninyo, isang nangibang-bayan tulad ng lahat ng aking mga ninuno.
Acts 7:29Tumakas si Moises matapos na marinig ito, naging dayuhan siya sa lupain ng Madian, kung saan siya ay naging ama ng dalawang anak na lalaki.