Exodo 23:24
Hindi ka dapat yumuko sa kanilang mga diyos, sambahin sila, o gawin ang tulad ng kanilang ginagawa. Sa halip, dapat mong tuluyang patalsikin sila at basagin ang kanilang sagradong batong mga haligi ng pira-piraso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:5Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
Exodus 34:13Sa halip, dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar, wasakin ang kanilang mga banal na haliging bato at putulin ang mga poste ni Asera.
Leviticus 18:26Kaya, dapat kayong sumunod sa aking mga utos at mga batas, at hindi ninyo dapat gawin ang alinman sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito, maging katutubong Israelita o dayuhang naninirahan kasama ninyo.
Numbers 33:52dapat ninyong itaboy ang lahat ng mga naninirahan sa lupain sa inyong harapan. Dapat ninyong sirain ang lahat ng kanilang inukit na mga anyo. Dapat ninyong wasakin ang lahat ng kanilang mga hinubog na anyo at gibain ang lahat ng kanilang mga dambana.
Deuteronomy 7:25Susunugin ninyo ang mga inukit na hugis ng kanilang diyos; huwag ninyong naisin ang pilak o ginto na nakabalot dito na gusto ninyong makuha para sa inyong sarili, at mabibitag kayo sa pamamagitan nito; dahil kamuhi-muhi ito kay Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 12:30bigyan pansin ang inyong sarili na hindi kayo mabibitag sa pagsunod sa kanila, pagkatapos silang mawasak mula sa harapan ninyo—mabitag sa pagsisiyasat sa kanilang mga diyos, sa pagtatanong, 'Paano sumasamba ang mga bansang ito sa kanilang mga diyus-diyosan? Ganoon din ang gagawin ko.'