Exodus 23:8
Huwag kumukuha ng suhol, dahil ang suhol ang bumubulag sa mga taong nakakakita, at inililihis ang mga salita ng mga taong tapat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 10:17Dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon, ang dakilang Diyos, ang tanging makapangyarihan at ang tanging kinatatakutan, na siyang walang itinatanging sinuman at hindi tumatanggap ng mga suhol.
1 Samuel 8:3Hindi lumakad sa mga paraan niya ang kanyang mga anak, sa halip naghabol sila sa hindi tapat na tubo. Tumanggap sila ng mga suhol at binaluktot ang katarungan.
Psalms 26:10kung saan ang mga kamay ay may masamang balak, at sa kanang kamay ay puno ng mga suhol.
Proverbs 17:8Ang suhol ay parang isang mahikang-bato sa isang nagbibigay nito; saan man siya dumako, siya ay magtatagumpay.
Proverbs 19:4Ang kayamanan ay nakadaragdag ng maraming kaibigan, pero ang mahirap ay hiwalay mula sa kaniyang mga kaibigan.
Isaiah 1:13Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga; kasuklam-suklam sa akin ang insenso; ang mga pagtitipon niyo tuwing bagong buwan at araw ng pamamahinga —hindi ko na matiis ang lahat ng makasalanan niyong mga pagtitipon.