Exodo 24:17
Ang anyo ng kaluwalhatian ni Yahweh ay katulad ng isang apoy na tumutupok sa ibabaw ng bundok sa mga mata ng mga Israelita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:2Doon ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya sa isang nagliliyab na apoy sa mababang puno. Tumingin si Moises at nakita na nagliliyab ang puno pero ito ay hindi nasusunog.
Exodus 19:18Lubusang nababalutan ng usok ang Bundok ng Sinai dahil kay Yahweh na bumaba doon na may apoy at usok. Pumaitaas ang usok katulad ng usok ng isang pugon at marahas na nabulabog ang buong bundok.
Deuteronomy 4:36Mula sa langit ginawa niyang iparinig ang kaniyang boses, nang sa gayon ay maaari niya kayong turuan; sa mundo ginawa niyang makita ninyo ang kaniyang malaking apoy; narinig ninyo ang kaniyang mga salita sa kalagitnaan ng apoy.
2 Samuel 22:13Mula sa kidlat sa harapan niya nahulog ang mga uling ng apoy.
Ezekiel 1:28Tulad ito ng isang bahagharing lumilitaw sa mga ulap sa isang maulang araw—at tulad ng maliwanag na ilaw ang pumapaligid dito. Nagpakita ito tulad ng anyo ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako, at narinig ko ang isang tinig na nagsasalita.
Habakkuk 3:4Ang sinag ng kaniyang kamay ay kumikinang gaya ng liwanag, at pinanatili niya roon ang kaniyang kapangyarihan.