Exodus 25:40
Siguraduhin na gagawin sila mula sa modelo na ipinapakita sa inyo sa ibabaw ng bundok.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And look that thou make them after their pattern, which was shewed thee in the mount.
In Context
Cross References
Exodus 25:9Dapat ninyong gawin ito ng ganap habang ipinapakita ko sa iyo ang mga plano para sa tabernakulo at sa lahat nitong kagamitan.
Exodus 27:8Dapat mong gawin ang altar na may guwang, na yari sa mga makapal na tabla. Dapat mong gawin ito sa paraan na ipinakita sa iyo sa bundok.
Exodus 36:2Tinawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab, at ang lahat ng taong bihasa na sa kaniyang pag-iisip ay pinagkalooban ni Yahweh ng kahusayan, at ang kanilang puso na napukaw ang kalooban na lumapit at gumawa ng gawain.
Numbers 8:4Ginawa ang patungan ng ilawan sa ganitong paraan: Ipinakita ni Yahweh kay Moises ang huwaran para rito: pinanday na ginto mula sa paanan hanggang sa itaas nito, kasama ang mga basong pinanday na parang mga bulaklak.
1 Chronicles 28:11Pagkatapos nito ibinigay ni David kay Solomon na kaniyang anak ang plano para sa portiko ng templo, ng mga gusali ng templo, ng mga silid imbakan, ng mga silid na nasa itaas, ng mga silid sa loob, at ang silid kung saan ilalagay ang takip ng luklukan ng awa.
2 Chronicles 4:7Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.