Exodo 26:36
Dapat kang gumawa ng pabitin sa pasukan ng tabernakulo. Dapat mong gawing asul, lila, matingkad na pulang bagay, at pinong pinulupot ng lino, ang gawa ng taga-burda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 27:16Ang tarangkahan ng patyo ay dapat mayroong isang kurtina na dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay dapat ginawa sa asul, lila at matingkad na pulang bagay at pinong pinulupot na lino, ang gawa ng isang taga-burda. Dapat mayroong apat na mga poste na may apat na mga pundasyon.
Exodus 35:11ang tabernakulo kasama ng tolda nito, ang pantakip nito, mga kawit nito, mga tabla, mga tukod, mga haligi at mga tuntungan;
Exodus 36:37Gumawa siya ng pabitin para sa pasukan ng tolda. Gawa ito sa asul, lila, at pulang lana, na ginagamitan ng pinong lino, na gawa ng isang magbuburda.
Exodus 40:5Dapat mong ilagay ang gintong insenso sa altar s harap ng kaban ng tipan ng kautusan, at dapat mong ilagay ang kurtina sa pasukan ng tabernakulo.
Numbers 3:25Dapat ingatan ng pamilya ni Gerson ang mga kurtina ng tabernakulo sa ilalim ng panlabas na mga takip ng tolda ng pagpupulong. Dapat nilang ingatan ang tolda, ang mala-toldang pantakip, at ang kurtina para sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
2 Samuel 7:6Dahil hindi ako tumira sa isang bahay simula ng araw na dinala ko ang mga tao ng Israel palabas ng Ehipto hanggang sa kasalukuyan; sa halip, palagi akong lumilipat sa isang tolda, isang tabernakulo.