Exodus 27:3
Dapat kang gumawa ng kasangkapan para sa altar, mga palayok para sa abo at gayundin ang mga pala, mga palanggana, mga tinidor para sa karne at mga lalagyan ng apoy. Dapat mong gawin ang lahat ng mga kagamitan mula sa tanso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 24:6Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at nilagay sa loob ng mga palanggana, iniwisik ang natirang kalahati sa ibabaw ng altar.
Exodus 38:3Ginawa niya ang lahat na kagamitan para sa altar—palayok para sa mga abo, mga pala, mga palanggana, mga tinidor ng karne, at mga lalagyan ng apoy. Ginawa niya ang lahat ng kagamitang ito sa tanso.
Numbers 4:14Dapat nilang ilagay ang lahat ng kasangkapan sa balangkas na binubuhat na ginagamit nila sa paggawa ng altar. Ang mga bagay na ito ay ang mga kawali, mga tinidor, mga pala, mga mangkok, at lahat ng ibang kasangkapan para sa altar. Dapat nilang takpan ang altar ng mga balat ng dugong at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
1 Kings 7:40Ginawa ni Hiram ang mga hugasan at ang mga pala at patubigang mangkok. Pagkatapos kaniyang natapos ang lahat ng kaniyang ginawa para kay Haring Solomon sa templo ni Yahweh:
2 Kings 25:15Ang mga palayok para alisin ang mga abo at ang mga hugasan na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak - kinuha rin ang mga iyon ng kapitan ng bantay ng hari.
2 Chronicles 4:11Ginawa ni Huram ang mga palayok, ang mga pala at ang mga mangkok na pangwisik. Kaya tinapos ni Hiram ang trabahong ginawa niya para kay Haring Solomon sa loob ng tahanan ng Diyos: