Exodus 28:11
Sa pamamagitan ng gawa ng mang-uukit ng bato, kagaya ng pag-ukit sa isang selyo, dapat mong ipaukit ang dalawang bato kasama ng mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel. Dapat mong ilagay ang mga bato sa lalagyang ginto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:21Dapat ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, bawat pangalan na magkakasunod-sunod. Dapat katulad sila sa nakaukit ng isang selyong singsing, bawat pangalan ay tumatayo bilang isa sa mga labindalawang lipi.
Exodus 28:36Dapat kang gumawa ng plato sa purong gintong at iukit dito, katulad ng nakaukit sa isang selyo, HANDOG KAY YAHWEH.
Exodus 39:13Ang ikaapat na hanay ay may beryl, isang oniks, at isang jasper. Ang mga bato ay ikinabit sa may gintong lalagyan.
Job 19:24O, sana ay magpakailanmang maiukit ito ng bakal na panulat at tingga sa isang bato!
Zechariah 3:9Ngayon tingnan ninyo ang bato na inilagay ko sa harapan ni Josue. Mayroong pitong tapyas sa isang batong ito, at uukitan ko ng isang tatak — ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—at aalisin ko ang kasalanan ng lupaing ito sa loob ng isang araw.
Ephesians 4:30At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Diyos. Dahil sa kaniya kayo ay tinatakan para sa araw ng katubusan.