Exodus 29:22
Dapat mong kunin ang mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa lamang-loob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay, at ang kanang hita—dahil ang lalaking tupang ito ay para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 3:9Maghahandog ang lalaki ng alay ng mga handog para sa pagtitipon-tipon bilang isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh. Aalisin ang taba, ang buong taba ng buntot hanggang sa gulugod, at ang tabang bumabalot sa lamang-loob at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob,
Leviticus 7:32Dapat ibigay ninyo ang kanang hita sa pari bilang isang handog na idinulog mula sa alay ng inyong handog para sa kapayapaan.
Leviticus 9:19Gayunman, ang taba ng toro at ang tupang lalaki, ang taba ng buntot, ang taba na nakabalot sa mga laman loob, ang mga bato, at ang balot sa atay—
Leviticus 10:14Ang dibdib na itinaas bilang handog at ang hita na idinulog kay Yahweh—ang mga ito ay dapat ninyong kainin sa isang malinis na lugar na katanggap-tanggap sa Diyos. Dapat kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ang mga bahaging iyon, dahil ibinigay ang mga iyon bilang iyong bahagi at bahagi ng iyong mga anak na lalaki mula sa mga alay ng handog sa pagtitipon-tipon ng bayan ng Israel.
1 Samuel 9:24Kaya kinuha ng tagapagluto ang hitang itinaas sa pag-aalay at kung ano ang kasama nito, at inilagay ito sa harapan ni Saul. Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Tingnan kung ano ang itinabi ko para sa iyo! Kainin mo ito, dahil itinabi ko ito hanggang sa itinakdang oras para sa iyo. Sa ngayon masasabi mong, 'Inanyayahan ko ang mga tao.'” Kaya kumain si Saul kasama ni Samuel sa araw na iyon.