Exodus 29:36
Bawat araw dapat kang maghandog ng toro bilang isang handog pambayad para sa kasalanan. Dalisayin mo ang altar sa pamamagitan ng paggamit ng pambayad para sa kasalanan nito, at kailangan mo itong buhusan ng langis para sa pagtatalaga sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:10Dapat mong dalhin lahat ng toro sa harap ng tolda ng pagpupulong, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
Exodus 30:28ang altar para sa sinunog na mga alay kasama ng lahat ng mga kasangkapan nito, at ang palanggana kasama ng kaniyang tuntungan.
Leviticus 8:10Kinuha ni Moises ang pampahid na langis, pinahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay sa loob nito, at inihandog ang mga ito kay Yahweh.
Leviticus 16:27Ang toro para sa handog sa kasalanan at ang kambing para sa handog ng kasalanan, na ang dugo nito ay dinala sa loob para gawing pambayad kasalanan sa banal na lugar, ay dapat dalhin sa labas ng kampo. Doon kailangan nilang sunugin ang kanilang mga balat, laman, at dumi nito.
Ezekiel 43:20Pagkatapos, ikaw ay kukuha ng kaunting dugo nito at ilalagay ito sa apat na sungay ng altar, sa apat na sulok ng dulo nito at sa gilid sa palibot nito. Lilinisin mo ito at gagawing kabayaran para sa kasalanan.
Ezekiel 43:27Dapat nilang buuin ang mga araw na ito, sa ikawalong araw at sa susunod pang araw ay mangyayaring ihahanda ng mga pari ang inyong mga alay na susunugin at ang inyong mga alay para sa kapayapaan sa altar at tatanggapin ko kayo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”