Exodus 29:4
Dapat mong iharap si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Dapat mong paliguan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tubig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 30:18“Dapat ka ring gumawa ng isang malaking tansong palanggana na mayroong tansong tuntungan, isang palanggana para hugasan. Dapat mo itong ilagay sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at kailangan mo itong lagyan ng tubig.
Exodus 40:12Dapat mong dalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at dapat mong hugasan sila ng tubig.
Exodus 40:32Sa tuwing sila ay papasok sa tolda ng pagtitipon at sa tuwing pupunta sila pataas ng altar. Hinuhugasan nila ang kanilang mga sarili, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
Leviticus 8:5Pagkatapos sinabi ni Moises sa kapulungan, “Ito ang ipinag-utos ni Yahweh na dapat gawin.”
Numbers 8:9Idulog mo ang mga Levita sa harapan ng tolda ng pagpupulong, at tipunin mo ang buong sambayanan ng Israel.
Ezekiel 36:25Pagkatapos ay wiwisikan ko kayo ng dalisay na tubig upang maging dalisay kayo mula sa lahat ng inyong karumihan. At dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan.