Exodus 3:16
Lumakad ka at sama-samang tipunin ang mga nakatatanda ng Israel. Sabihin sa kanila, 'si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob, ay nagpakita sa akin at nagsabi, “Tunay ngang napagmasdan ko kayo at nakita ang ginawa sa inyo sa Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:7Ginawa ng Diyos ang puwang at hiniwalay niya ang tubig na nasa silong ng kalawakan mula sa tubig na nasa ibabaw ng kalawakan. At nagkagayon nga.
Genesis 50:24Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Malapit na akong mamatay; pero tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos at pangungunahan kayo palabas ng lupaing ito papunta sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.”
Exodus 2:25Nakita ng Diyos ang mga Israelita, at naunawaan niya ang kanilang kalagayan.
Exodus 4:5“Ito ay para maniwala sila na si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob, ang nagpakita sa iyo.”
Exodus 4:31Naniwala ang mga tao. Nang marinig nila na si Yahweh ay nag-oobserba sa mga Israelita at nakita niya ang kanilang pagkaalipin, pagkatapos iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sinamba siya.
Exodus 15:14Narinig ng bayan, at sila ay nanginginig; takot ang babalot sa mga naninirahan sa Filistia.