Exodus 32:4
Natanggap niya ang ginto mula sa kanila, niyari ito sa isang molde, at ginawa ito sa isang minoldeng guya. Pagkatapos sinabi ng mga tao, “Israel, ito ang inyong diyos na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:4Huwag dapat kayong gumawa para sa sarili ninyo ng isang inukit na larawan ni kahalintulad ng anumang bagay na nasa itaas ng langit, o sa lupa na nasa ilalim, o sa tubig na nasa ibaba.
Exodus 28:9Dapat kang kumuha ng dalawang batong oniks at iukit dito ang mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel.
Exodus 32:1Nang makita ng mga tao na si Moises ay natagalang bumaba sa bundok, nagtipon sila sa paligid ni Aaron at sinabi sa kaniya, “Halika, igawa mo kami ng diyos-diyosan na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala sa amin palabas sa lupain ng Ehipto, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.”
Deuteronomy 9:16Tumingin ako, at nakitang, nagkasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos. Naghulma kayo para sa inyong sarili ng isang guya. Lumihis kayo mula sa daang iniutos ni Yahweh sa inyo.
Judges 8:27Gumawa si Gideon ng efod mula sa mga hikaw at inilagay ito sa kaniyang lungsod, sa Ofra at ipinagbili ng buong Israel ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba nito roon. Ito'y naging bitag kay Gideon at para sa mga nasa kaniyang bahay.
1 Kings 12:28Kaya naghanap ng payo si Haring Jeroboam at gumawa ng dalawang guyang ginto; sinabi niya sa mga tao, “Labis-labis ito para sa inyo na umakyat sa Jerusalem. Masdan ninyo, ito ang inyong mga diyos bayang Israel, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto.