Exodus 33:3
Puntahan mo ang lupain na iyon, kung saan dumadaloy ang gatas at pulot, pero hindi ako sasama sa inyo, dahil kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Baka lang wasakin kayo sa daan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:17Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
Exodus 23:21Maging mapagmatyag ka sa kaniya at sundin mo siya. Huwag mo siyang galitin, dahil hindi ka niya patatawarin sa iyong mga pagsuway. Ang pangalan ko ay nasa kaniya.
Exodus 32:14Pagkatapos nahabag si Yahweh mula sa kaparusahan na kaniyang sinabi na dapat pahirapan ang kaniyang bayan.
Exodus 34:9“Pagkatapos sinabi niya, “Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
Numbers 13:27Sinabi nila kay Moises, “Narating namin ang lupain kung saan mo kami ipinadala. Tunay na dinadaluyan ito ng gatas at pulot-pukyutan. Narito ang ilan sa mga bunga mula roon.
Numbers 14:12Lulusubin ko sila ng salot, hindi ko sila pamamanahan at gagawa ako mula sa iyong angkan ng isang bansa na magiging higit na dakila at mas malakas kaysa sa kanila.”