Exodo 34:18
Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Walang Lebadurang Tinapay. Tulad ng aking iniutos sa inyo, kailangan ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw at sa takdang panahon sa buwan ng Abib, dahil sa buwan ng Abib kayo ay lumabas mula Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Huwag kayong gumawa ng mga diyus-diyosan para sa inyong sarili na gawa sa tinunaw na metal.
19Ang lahat ng panganay ay akin, bawat panganay ng inyong mga toro, maging ang mga baka at tupa.
Cross References
Exodus 12:2“Para sa inyo, ang buwan na ito ay magiging simula ng mga buwan, ang unang buwan ng taon sa inyo.
Exodus 13:3Sinabi ni Moises sa mga tao, “Alalahanin ninyo ang araw na ito, ang araw kung saan kayo nakalabas mula sa Ehipto, nakalabas mula sa bahay ng pagkakaalipin, dahil nakalabas kayo mula sa lugar na ito sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh. Walang tinapay na may halong lebadura ang kakainin.
Exodus 13:6Sa loob ng pitong araw dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura; Sa ikapitong araw magkakaroon ng pista sa karangalan ni Yahweh.
Exodus 23:15Ipagdiwang mo ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Bilang aking utos sa iyo, kakain ka ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa panahong iyon, magpapakita ka sa aking harapan sa buwan ng Abib, na itinakda para sa layuning ito. Sa buwang ito lumabas ka galing Ehipto. Pero hindi ka dapat magpakita sa aking harapan na walang-dala.
Deuteronomy 16:1Tandaan ang buwan ng Abib, at panatilihin ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos, sapagka't sa buwan ng Abib dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos palabas ng Ehipto sa gabi.
Luke 22:1Ngayon, papalapit na ang Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskwa.