Exodus 34:29
Nang makababa si Moises galing sa Bundok ng Sinai dala ang dalawang tipak ng mga utos ng tipan sa kaniyang kamay, hindi niya alam na ang balat ng kaniyang mukha ay lumiwanag habang nakikipag-usap siya sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 16:15Nang makita iyon ng bayan ng Israel, sinabi nila sa isa't isa, “Ano ito?” Hindi nila alam kung ano iyon. Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang tinapay na bigay ni Yahweh sa inyo para kainin.
Exodus 34:35Nakita ng mga Israelita ang mukha ni Moises na nagliliwanag. Pagkatapos ilalagay niya muli ang takip sa kaniyang mukha hanggang sa bumalik siya sa loob para makipag-usap kay Yahweh.
Joshua 8:14Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.
Matthew 17:2Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.
Mark 14:40Muli siyang bumalik at nadatnan silang natutulog, sapagkat antok na antok sila at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kaniya.
Luke 9:29Habang siya ay nananalangin, nag-iba ang anyo ng kaniyang mukha, ang kaniyang damit ay naging puti at nagniningning.