Exodus 35:2
Sa ikaanim na araw ang lahat ng gawain ay maaaring nagawa na, ngunit sa inyo, ang ikapitong araw ay dapat na banal na araw, ang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, na banal kay Yahweh. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay papatayin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Hindi kayo dapat magsisindi ng apoy saan man sa inyong mga tahanan sa Araw ng Pamamahinga.”
Cross References
Exodus 23:12Sa loob ng anim na araw magtatrabaho ka, pero sa ikapitong araw dapat kang magpahinga. Gawin mo ito para makapagpahinga ang iyong baka at asno, at para ang iyong anak na lalaki ng lingkod na babae at anumang dayuhan ay maaaring makapagpahinga at maging masigla.
Exodus 34:21Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga.
Numbers 15:32Habang nasa ilang ang mga tao ng Israel, nakasumpong sila ng isang lalaking namumulot ng kahoy sa araw ng Pamamahinga.
Luke 13:14Ngunit nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya sumagot ang pinuno at sinabi sa maraming mga tao, “May anim na araw kung saan kinakailangang magtrabaho. Pumarito kayo at mapagaling sa mga araw na iyon, huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
Hebrews 2:2Sapagkat kung ang mensahe na sinabi sa pamamagitan ng mga anghel ay totoo, at ang bawat paglabag at pagsuway ay tatanggap ng nararapat na kaparusahan,