Exodo 37:17
Gumawa siya ng ilawan na purong minartilyong ginto. Gumawa siya ng ilawan kasama ng tuntungan at baras nito. Ang mga baso nito, ang madahong tuntungan nito at mga bulaklak nito ay ginawa lahat sa isang piraso na kasama nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:31Dapat kayong gumawa ng isang ilawan ng purong gintong pinanday. Ang ilawan ay gagawin na may paanan at poste. Ang mga tasa nito, ang mga madahong paanan, at ang mga bulaklak nito ay gawa lahat sa isang pirasong kalakip nito.
Leviticus 24:4Ang punong pari ang dapat na magpanatiling nakailaw ang mga lampara sa harap ni Yahweh, ang mga lampara sa ilawan ng gintong dalisay.
2 Chronicles 13:11Nagsusunog sila sa bawat umaga at gabi ng mga alay na susunugin at mga mababangong insenso para kay Yahweh. Sila rin ay naghahanda ng tinapay na handog sa ibabaw ng dinalisay na hapag. Sinisindihan rin nila ang ilawang gintong patungan upang ang mga ito ay magliwanag sa bawat gabi. Sinusunod namin ang mga kautusan ni Yahweh na aming Diyos, ngunit tinalikuran ninyo siya.
Zechariah 4:11Pagkatapos, tinanong ko ang anghel. “Ano itong dalawang puno ng olibo na nakatayo sa kaliwa at sa kanan ng patungan ng lampara?”
John 1:4Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan.
Hebrews 9:2Sapagkat may silid na inihanda sa loob ng tabernakulo, ang panlabas na silid, ang tinatawag na banal na lugar. Nakalagay sa lugar na ito ang ilawan, ang mesa at ang tinapay na handog.