Exodo 38:24
Ang lahat ng ginto na ginamit para sa proyekto, sa lahat ng trabaho na karugtong sa banal na lugar—ang ginto na mula sa handog na tinanghal—ay dalawampu't siyam na talento at 730 sekel, sinukat ng pamantayan ng sekel ng santuwaryo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:24Dapat mong ilagay ang mga ito sa kamay ni Aaron at sa kamay ng kaniyang mga anak na lalaki. Dapat nilang itaas ito sa aking harapan, si Yahweh, at ipapakita nila ito bilang paghahandog sa akin.
Exodus 30:24limandaang sekel ng kassia, sinukat sa timbang ng sekel ng santuwaryo, at isang hin ng langis ng olibo.
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Leviticus 27:25Dapat na itakda ang lahat ng mga tinatayang mga halaga ayon sa timbang ng santuwaryong siklo. Dalawampung gera ang dapat na katumbas ng isang siklo.
Numbers 18:16Iyong mga dapat bibilhin muli ng mga tao ay dapat bilhin muli pagkatapos na maging isang buwang gulang. Pagkatapos ay maaari na silang bilhin muli ng mga tao, sa halagang limang siklo, ayon sa pamantayang timbang na siklo ng santuwaryo, na kapantay ng dalawampung gera.
1 Chronicles 29:2Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol.