The Bible Software
bible.softwareExodusExodus 39 › Exodus 39:1

Exodus 39:1

Gamit ang asul, lila at pulang tela, sila ay nakagawa ng mga pinong hinabing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar. Ginawa nila ang mga kasuotan ni Aaron para sa banal na lugar, ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And of the blue, and purple, and scarlet, they made cloths of service, to do service in the holy place, and made the holy garments for Aaron; as the LORD commanded Moses.

In Context

2Ginawa ni Bezalel ang efod na ginto, na asul, lila, at matingkad na pulang lana, at ng pinong pinulupot na lino.

Read all of Exodus 39

Cross References

Exodus 26:1Dapat gumawa ka ng tabernakulo na may sampung kurtina na yari sa pinong lino na kulay asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Gagawin ito ng mahusay na manggagawang lalaki.

Exodus 28:5Dapat gumamit ang mga manggagawang lalaki ng pinong lino na ginto, asul, lilak at matingkad na pula.

Exodus 35:19Dinala nila ang mga mainam na hinabing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar, ang banal na kasuotan para kay Aaron na pari at kaniyang mga anak na lalaki para sila ay maglingkod bilang pari.”

Exodus 39:41Dinala nila ang mga pinong natahing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar, ang banal na kasuotan para kay Aaron na pari at kaniyang mga anak na lalaki, para sila ay maglingkod bilang mga pari.

Ezekiel 42:14Kapag pumasok doon ang mga pari, hindi sila dapat lumabas sa banal na lugar patungo sa panlabas na patyo nang hindi hinuhubad ang mga pansilbing kasuotan, yamang banal ang mga ito. Kaya dapat silang magsuot ng ibang mga damit bago lumapit sa mga tao.”

Hebrews 9:12Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Exodus 39:1

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
Exodus 39Exodus 39:2 →