Exodus 39:8
Ginawa niya ang baluti, gawain ng bihasang manggagawa, inihugis katulad ng efod. Ginawa ito sa pamamagitan ng ginto, asul, lila at pulang tela, at ng pinong lino.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:4Ang mga kasuotan na dapat nilang gawin ay isang baluti, isang efod, isang balabal, isang kasuotang gawa sa habi, isang turbante at isang sintas. Dapat nilang gawin ang mga kasuotang ito para ihandog sa akin. Ito ay para sa iyong kapatid na si Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para maaari silang maglingkod sa akin bilang mga pari.
Exodus 28:15Dapat kang gumawa ng isang baluti para sa paggawa ng desisyon, ang gawa ng isang bihasang manggagawang lalaki, gaya ng pagkakagawa ng efod. Gawin ito sa ginto, sa asul, lilak, at matingkad na pulang lana, at sa pinong lino.
Psalms 89:28Ipagpapatuloy ko ang aking katapatan sa tipan sa kaniya magpakailanman; at ang tipan ko sa kaniya ay magiging matatag.
Ephesians 6:14Kaya nga magpakatatag kayo. Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong maisuot ang sinturon ng katotohanan at maisuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran.