Exodo 4:15
Makikipag-usap ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita na dapat sabihin. Ako ay mapapasa iyong bibig at sa kaniyang bibig, at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:12Kaya ngayon lumakad ka at kasama mo ako sa iyong pananalita at tuturuan kita kung ano ang sasabihin.”
Exodus 7:1Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Tingnan mo, ginawa kitang parang isang diyos kay Paraon. Si Aaron na iyong kapatid ang magiging propeta mo.
Numbers 23:5Naglagay ng isang mensahe si Yahweh sa bibig ni Balaam at sinabi, “Bumalik ka kay Balak at magsalita ka sa kaniya.”
Numbers 23:16Kaya nakipagkita si Yahweh kay Balaam at inilagay ang isang mensahe sa kaniyang bibig. Sinabi niya, “Bumalik ka kay Balak at ibigay mo sa kaniya ang aking mensahe.”
Deuteronomy 18:18Magtatatag ako ng isang propeta para sa kanila mula sa kanilang mga kapatid, na katulad mo. Ilalagay ko ang aking mga salita sa kaniyang bibig, at sasabihin niya sa kanila ang lahat ng iniutos ko sa kanila.
Psalms 25:12Sino ang taong may takot kay Yahweh? Tuturuan siya ng Panginoon sa daan na dapat niyang piliin.