The Bible Software
bible.softwareExodusExodus 7 › Exodus 7:3

Exodus 7:3

Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will harden Pharaoh’s heart, and multiply my signs and my wonders in the land of Egypt.

In Context

2Sasabihin mo ang lahat ng inutos kong sabihin mo. Ang kapatid mong si Aaron ay makikipag-usap kay Paraon para payagan niya ang bayan ng Israel na umalis mula sa kaniyang lupain.

4Pero si Paraon ay hindi makikinig sa iyo, kaya ilalagay ko ang kamay ko sa Ehipto at ilalabas ang aking mga pangkat ng mandirigmang kalalakihan, aking bayan, ang mga kaapu-apuhan ni Israel, palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang mga gawa ng pagpaparusa.

Read all of Exodus 7

Cross References

Exodus 3:20Iaabot ko ang kamay ko at sasalakayin ang mga taga-Ehipto ng mga himalang gagawin ko sa gitna nila. Pagkatapos niyon, papayagan niya kayong umalis.

Exodus 4:21Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.

Exodus 9:16Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan.

Deuteronomy 4:34O ang Diyos ba ay tinangkang pumunta at kunin ang isang bansa mula sa kalagitnaan ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng mga tanda, at sa pamamagitan ng mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng digmaan, at sa pamamagitan ng isang napakalakas na kamay, at sa pamamagitan ng sa isang pagpapakita ng dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng matinding mga pananakot, gaya ng lahat ng ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harapan ng inyong mga mata?

Nehemiah 9:10Nagbigay ka ng mga tanda at kababalaghan laban sa Paraon, at sa lahat ng kaniyang mga alipin, at sa lahat ng mga tao sa kaniyang lupain, dahil alam mo na ang mga taga-Ehipto ay kumilos nang may pagmamataas laban sa kanila. Pero gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili na nananatili hanggang sa araw na ito.

Psalms 78:43nang ipinakita niya ang nakasisindak na mga tanda sa Ehipto at kababalaghan niya sa rehiyon ng Soan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Exodus 7:3

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Exodus 7:2Exodus 7Exodus 7:4 →