Exodus 9:12
Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, kaya hindi nakinig si Paraon kina Moises at Aaron. Ito mismo ang sinabi ni Yahweh kay Moises na gagawin ng Paraon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:21Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.
Exodus 9:7Nagsaliksik si Paraon, at nakita, wala ni isang hayop ng mga Israelita ang namatay. Pero matigas ang kaniyang puso, kaya hindi niya hinayaang umalis ang bayan.
Revelation 16:10Ang ika-limang anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa trono ng halimaw, at nabalot ng kadiliman ang kaniyang kaharian. Nginatngat nila ang kanilang mga dila sa dalamhati.