Exodus 9:23
Iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod patungo sa kalangitan, at nagpadala si Yahweh ng kulog, ulang may yelo at kidlat sa lupa. Pinaulanan din niya ng yelo ang lupain ng Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:18Nakita ng mga tao ang pagkulog at ang pagkidlat at narinig ang tunog ng trumpeta at nakitang umuusok ang bundok. Nang makita ito ng mga tao, nanginig sila at tumayo sa malayo.
1 Samuel 12:17Hindi ba ngayon ang pag-aani ng trigo? Tatawag ako kay Yahweh, upang magpapadala siya ng kulog at ulan. Pagkatapos malalaman ninyo at makikita na matindi ang inyong kasamaan, na inyong ginawa sa paningin ni Yahweh, sa paghingi ng isang hari para sa inyong mga sarili.”
Job 38:22Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe, o nakita mo na ba ang mga imbakan ng yelo,
Psalms 29:3Ang tinig ni Yahweh ay naririnig sa ibabaw ng mga katubigan; dumadagundong ang Diyos ng kaluwalhatian, dumadagundong si Yahweh sa ibabaw ng katubigan.
Psalms 78:47Winasak niya ang kanilang mga taniman gamit ang yelo at ang kanilang mga punong sikamore ng mas maraming pang yelo.
Psalms 147:17Nagpapaulan siya ng yelo na parang mumo, sinong makatitiis ng ginaw na pinadala niya?