Ezekiel 11:16
Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:44At sa lahat mang ito, pagka sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila na sila'y aking lubos na lilipulin, at aking sisirain ang aking tipan sa kanila: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios:
Deuteronomy 30:3Ay babawiin nga ng Panginoon mong Dios ang iyong pagkabihag, at mahahabag sa iyo, at ibabalik, at titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Psalms 31:20Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao: iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
Psalms 90:1Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi.
Psalms 91:9Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan;
Isaiah 4:5At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.