Ezekiel 11:21
Ngunit sa mga lumalakad ng may pagkabighani tungo sa kanilang kamuhi-muhing mga bagay at kanilang mga pagkasuklam, dadalhin ko ang kanilang gawa sa sarili nilang mga ulo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 1:16Ihahayag ko ang hatol laban sa kanila dahil sa lahat ng kanilang kasamaan sa pagtalikod sa akin, sa pagsusunog ng mga insenso sa ibang mga diyos at sa pagsamba sa mga ginawa ng sarili nilang mga kamay.
Jeremiah 17:9Ang puso ay higit na mapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino ang nakakaunawa rito?
Ezekiel 7:3Ngayon, ang wakas ay sumasainyo, sapagkat ipinapadala ko sa inyo ang aking poot at hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga pamamaraan, pagkatapos dadalhin kong lahat sa inyo ang inyong mga pagkasuklam.
Ezekiel 9:10Kung gayon, hindi titingin nang may awa ang aking mata, at hindi ko sila kaaawaan. Sa halip, dadalhin ko ang lahat ng mga ito sa kanilang mga ulo.”
Ezekiel 14:3“Anak ng tao, taglay ng mga kalalakihang ito ang kanilang mga diyus-diyosan sa kanilang mga puso at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mga sariling mukha. Dapat ba silang sumangguni sa akin?
Ezekiel 20:31Sapagkat kapag iniaalay ninyo ang inyong mga kaloob at ipinapadaan ninyo sa apoy ang inyong mga anak na lalaki, ginagawa ninyong marumi ang inyong mga sarili dahil sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan hanggang sa araw na ito. Kaya dapat ba kayong sumangguni sa akin, sambahayan ng Israel? Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—hindi kayo makasasangguni sa akin!