Ezekiel 12:13
Sasakluban ko siya ng aking lambat at mahuhuli siya sa aking bitag at dadalhin ko siya sa Babilonia, ang lupain ng mga Caldeo, ngunit hindi niya ito makikita. Doon siya mamamatay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 18:10Nakatago sa lupa ang isang silo; at isang bitag para sa kaniyang daraanan.
Psalms 11:6Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa mga masasama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa!
Jeremiah 34:3Hindi ka makakatakas mula sa kaniyang kamay, sapagkat tiyak na masasakop at mapapasakamay ka niya. Titingin ang iyong mga mata sa mata ng hari ng Babilonia, kakausapin ka niya ng harap-harapan sa pagpunta mo sa Babilonia.'
Jeremiah 50:24Naghanda ako ng isang bitag para sa inyo. Nabihag kayo Babilonia at hindi ninyo ito alam! Natagpuan kayo at nasakop nang hinamon ninyo ako, si Yahweh.
Jeremiah 52:11Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
Lamentations 3:47Dumating sa amin ang takot sa hukay, pagkasira at pagkaluray.”