Ezekiel 13:11
Sabihin mo sa mga nagpipinta ng kalburong pampinta sa pader, “Guguho ito, magkakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan at magpapadala ako ng mga ulan na may kasamang yelo upang pabagsakin ito at isang napakalakas na hangin upang masira ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 27:21Tinatangay siya ng hanging silangan, at siya ay nawawala; tinatangay siya nito mula sa kaniyang lugar.
Psalms 11:6Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa mga masasama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa!
Psalms 32:6Dahil dito, ang lahat ng makadiyos ay dapat manalangin sa iyo sa oras ng mabigat na paghihirap. Pagkatapos kapag ang daluyong ng tubig ay umapaw, hindi nila maabot ang mga tao.
Isaiah 28:2Masdan ninyo, may isang makapangyarihan at malakas na tao mula sa Panginoon; gaya ng isang ulan ng yelo, isang namiminsalang bagyo, gaya ng isang laganap na napakalakas na ulan. Papaluin niya ang daigdig ng kanyang kamay.
Isaiah 28:18Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito.
Isaiah 32:19Pero kahit kung umulan ng mga yelo at ang gubat ay mawasak, at ang lungsod ay ganap na nalipol,