Ezekiel 13:12
Tingnan ninyo, babagsak ang pader. Hindi ba sinabi ng iba sa inyo, “Nasaan na ang kalburong pampinta na inyong itinapal dito?”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 9:38Pagkatapos sinabi ni Zebul sa kaniya, “Nasaan na ang iyong mapagmalaking mga salita ngayon, ikaw na nagsabing, 'Sino si Abimelec na dapat namin paglingkuran?' Hindi ba ito ang mga lalaking kinamumuhian mo? Lumabas ka ngayon at makipaglaban sa kanila.”
2 Kings 3:13Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, “Ano ang kinalaman ko sa iyo? Pumunta ka sa mga propeta ng iyong ama at ina.” Kaya sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, “Hindi, dahil tinawag kaming tatlong hari ni Yahweh, para matalo kami ng Moab.”
Jeremiah 29:31“Magpadala ka ng balita sa lahat ng mga sapilitang dinala at sabihin, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Semaias na Nehelamita. Dahil nagpahayag sa inyo si Semaias nang hindi ako mismo ang nagsugo sa kaniya, dahil pinangunahan niya kayo upang maniwala sa mga kasinungalingan,
Lamentations 2:14Nakakita ng mga pandaraya at kamangmangang pangitain ang inyong mga propeta sa inyo. Hindi nila inihayag ang inyong matinding kasalanan upang panumbalikin ang inyong mga kapalaran, ngunit nakahiwatig ng mapanlinlang na mga pagpapahayag at mga tukso sa inyo.