Ezekiel 13:16
ang mga propeta ng Israel na nagpahayag tungkol sa Jerusalem at ang mga may pangitain ng kapayapaan para sa kaniya. Ngunit walang kapayapaan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 57:20Pero ang mga masasama ay gaya nang maalon na dagat, kung saan hindi nagpapahinga, at ang tubig nito ay umaalimbukay ng burak at putik.
Jeremiah 6:14Ngunit pinagaling lamang nila ng bahagya ang sugat ng aking mga tao, nang sabihin nila, 'Kapayapaan! Kapayapaan!' ngunit walang kapayapaan.
Jeremiah 28:1Nangyari ito sa taong iyon, sa simula ng paghahari ni Zedekias na hari ng Juda, sa ika-apat na taon at sa ika-limang buwan, si Ananias na anak ni Azur na propeta, na mula sa Gibeon ay nagsalita sa akin sa tahanan ni Yahweh sa harap ng mga pari at sa lahat ng mga tao. Sinabi niya,
Jeremiah 29:31“Magpadala ka ng balita sa lahat ng mga sapilitang dinala at sabihin, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Semaias na Nehelamita. Dahil nagpahayag sa inyo si Semaias nang hindi ako mismo ang nagsugo sa kaniya, dahil pinangunahan niya kayo upang maniwala sa mga kasinungalingan,