Ezekiel 16:30
Pagkahinahina ng iyong loob, sabi ng Panginoong Dios, palibhasa'y iyong ginagawa ang lahat na bagay na ito, na gawa ng isang hambog na patutot:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 78:37Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
Proverbs 7:21Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.
Isaiah 1:3Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.
Jeremiah 2:12Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.
Jeremiah 3:3Kaya't ang ambon, ay napigil, at hindi nagkaroon ng huling ulan; gayon man may noo ka ng isang patutot ikaw ay tumakuwil na mapahiya.
Hosea 9:1Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang upa sa bawa't giikan.